Tayo ang BOSES ng Musika, Pelikula, Entablado, Sining

"Ang musika, pelikula, sining at entablado ang pinakamatalas na sandata ng isang bayan." - Atty. Jimmy Bondoc

Sumama ka na!

Samahan kami sa pagtataguyod ng BOSES ng industriyang nagbibigay saya sa bawat pamilyang Pilipino


Sa sama sama nating pagtataguyod ng BOSES, makakamit natin ang pangarap ng bawat isang manggagawa ng musika, pelikula, sining at entablado.

  • Maging isang Boses Leader: Tulungan ang BOSES sa pag-oorganisa ng mga volunteers at pagpapalawak ng members.
  • BOSES Supporter: Malugod po naming tatanggapin ang anumang uri ng tulong na inyong ipaaabot para sa pagsusulong ng ligtas, sagana at maunlad na entertainment industry.

"Mahirap isiksik sa isang sulatin ang isang pinagpalang buhay. Naisin kong ibahagi sa inyo ang ilang bahagi ng aking buhay, plano at kinabukasan." - Atty. Jimmy Bondoc

Mag-aaral mula sa Ateneo de Manila University

Nag-aral ako sa Ateneo, at nagteatro mula kabataan. Sa grade school, ako po ay bumida sa mga dula ng Ateneo Children's Theater sa pamumuno ni Mariano Singson. Sa high school, ako naman ay pinalad maging bahagi ng Dulaang Sibol sa pamumuno ni Dr. Onofre Pagsanghan.

Naging propesyunal na mangaawit habang nasa kolehiyo

Sa kolehiyo, nagsimula akong umawit-propesyunal sa mga banda na aking itinaguyod. Taong 1997 ako nakapagtapos sa Ateneo at simula noon, BOSES na lamang ang aking pangunahing puhunan. Dito ako naging saksi sa hirap ng mga kasama sa industriya.

Ipinagpatuloy ang pagkamit sa pangarap maging isang abogado

Noong 2017, ako ay pumasok sa Law School at nagtapos sa University of the East. Naging ganap na abogado noong 2023. Sa buong panahon na ito, ako ay nagtrabaho bilang kawani ng gobyerno sa PAGCOR. Ang trabaho ko po doon ay Community Service bilang appointee ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang Boses Partylist ay nagsimula sa isang pangarap

Pangarap ko po ang maging BOSES. Para sa akin, ang entertainment industry ay ang pinakamatalas na sandata ng isang bayan. Ang industriya ay kailangan alagaan at regulahin ng pamahalaan. Sa kongreso, itataguyod natin ang pagtatayo ng isang tanggapan at institusyon na didinig sa mga hinaing ng mga manggagawa ng nmusika, pelikula, sining at entablado.

Pagkakapantay pantay

Bawat isa ay ipinanganak na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan. Sila ay pinagkalooban ng pang-unawa at konsensya at dapat kumilos sa isa't isa na may diwa ng pagkakapatiran.

Kalayaan sa pagpapahayag

Ang bawat isa ay may kalayaan na magkaroon ng mga opinyon nang walang panghihimasok ninuman at hindi alintana ang mga hangganan.

Maginhawang hanapbuhay

Ang bawat isa ay may karapatan sa trabaho, sa malayang pagpili ng hanapbuhay, sa makatarungan at maginhawang kondisyon ng trabaho, at sa proteksyon laban sa kawalang-trabaho.

Subscribe And Follow

Dapat laging updated sa mga balita at announcements ng ating Boses Partylist. Subscribe to our newsletter and follow us on social media.